Pampanga- kilala ito na isa sa mga lugar sa pilipinas na nagsasagawa na pagpepenitensya at pagsasabuhay ng naranasang paghihirap ng diyos tulad ng pagpapako sa krus,pagbuhat sa malaking krus,paghampas sa likod na may tusok-tusok at maraming pang iba; simbolo daw ito na pinapahalagahan nila ang sakripisyo ng panginoon sa ating mga tao.dagdag pa ng iba na ginagawa nila upang mabawasan ang kasalanan kasama na rin dito ang pagginhawa ng kanilang pamumuhay ayon sa mga nagsasagawa ng tradisyong ito.
Maynila-Pagninilay o kilala sa katawagan na Mahal na araw(Holy week).Marami sa ating mga pinoy ang naniniwala sa ganitong mga pagdiriwang o pagsasabuhay sa sakripisyo ng panginoon hesuskristo sa kasalanan ng sanlibutan. ayon sa simbahan katoliko panahon pa ng espanyol(Spaniards-correct me if I’m wrong) nangayayari na ito.Likas kasi sa ating mga pilipino ang matatag na pananalig sa aman sulok ng mundo,ilan lang sa mga ito ay ang kilala sa ating sa katawagang “Visita Iglesya” na kung saan ang mga pilipino ay pumupunta sa ibat ibang simbahan dito sa pilipinas at taimtim na nagdadasal,isa pa dito ay ang ang sikat na sikat sa mga kabataan tulad ko (“Alay Lakad’)nangayayari ito na ang mga pilipino ay naglalakad papunta sa lugar (Antipolo) na kung saan magsisilbing ruta ng mga ito.
Pero sa kabila ng mga ito marami pa rin sa ating mga pinoy ang bumabatikos sa gawain ito; ilan sa mga ito ay ang kritiko ng simbahang katoliko,mangilan-ngilan na pribadong individual at sa mga hindi naniniwala sa turo ng simbahan(panginoon).ngunit hindi ito ang nagsisilbing hidwaan o gulo dito sa pilipinas kahit hindi pare-parehas ang paniniwala ng mga ito.
Ako may isang purong pilipinong katoliko ay may pananagutan din ngunit may pagkukulang na dapat punan ng pananalig; paggalang sa mga pribadong individual at pagrespeto sa paniniwala ng ibang tao.
Sa Panahon ito na sana’y maging liksyon at aral ito sa ating mga pilipino na hindi lang pagpapahirap sa ating katawan o pagsasagawa ng mga naging tradisyon natin (hindi po ako kontra sa tradisyon na isinasagawa natin kundi na sana sa bawat pangyayayring ito na sana’y makapulot tayo ng aral sa puso’t isip natin mga pinoy) kundi ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa panahon ng unos na dinaranasan natin at ito ang magiging aral na aking bibitbitin sa aking pagtanda.
“Ika nga ng nakakararami ang pagsasakripisyo ay may kaakibat na kaginhawaan”at sa bawat unos na ating buhay tayo rin mga pinoy ang magakakampi sa bawat laban at problema na ating kinakaharap”.
Ako si indoy........
0 comments:
Post a Comment