"June 12 is the national holiday that commemorates the beginning of the First Philippine Republic (1895) and is celebrated throughout the nation with parades, firework displays, concerts and ringing of church bells. A civilian-military parade is staged through the Grand Stand of Rizal Park in Manila"
Sa Oras at Araw din ito ipinagpupugay at isinasabuhay ang araw ng ating kalayaan, una sa lahat ano ba ang meron sa ating kasaysayan sa Buwan at araw na ito,Sino-sino ba ang nakikinabang sa pagkakaroon ng ganitong pagsasadiwang?
Isandaan at Labing-tatlong taon na ang nakalipas mula noong nai-proklama sa Kawit, Cavite ang ating kasarinlan; at kung saan ay unang iwinagayway ang ating bandila sa daan-daang tao na nakasaksi na iyon, at tinugtog ang ating pambansang awit, bilang pagsilang ng isang bansang may karapatang maging malaya.
Isa ito sa naging pahayag at nilalaman ng mga testimonya ng nakaraan administrasyon at pangulo ng bansa na si Gloria Macapagal-Arroyo;subalit sa kasalukuyang oras/araw hinihintay ko pa rin ang “Pnoy’s Speech during the 113th Independence Day Celebration 2011”
PGMA's Speech during the 103rd Independence Day Celebration
Tuesday, June 12, 2001
Quirino Grandstand, Luneta
Tuesday, June 12, 2001
Quirino Grandstand, Luneta
Sa araw na ito ay ginugunita natin ang nakaraan upang muling sariwain ang kagitingan ng lahing pilipino. At sa pamamagitan ng alaalang ito ay manumbalik sa atin ang lakas ng pagkakaisa at determinasyong magtagumpay at manguna sa anumang hamon ating haharapin sa mga darating pang panahon.
Sa lugar na ito, kung saan iginarote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora; kung saan pinaslang ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal; kung saan pinatay ng mga kastila ang maraming miyembro ng katipunan, tayo'y pinapaalala na ang ating kalayaan by pinagbuwisan ng buhay ng ating mga bayani.
Dito sa Luneta, limampu't-limang taon nang nakaraan, ay itinaas muli ang bandila ng Pilipinas at ibinaba ang bandila ng Amerika at tayo'y naging isang malayang republika muli.
Sa lugar na ito, kung saan iginarote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora; kung saan pinaslang ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal; kung saan pinatay ng mga kastila ang maraming miyembro ng katipunan, tayo'y pinapaalala na ang ating kalayaan by pinagbuwisan ng buhay ng ating mga bayani.
Dito sa Luneta, limampu't-limang taon nang nakaraan, ay itinaas muli ang bandila ng Pilipinas at ibinaba ang bandila ng Amerika at tayo'y naging isang malayang republika muli.
Habang nagdiriwang tayo nitong napaka-espesyal na pangyayari, alalahanin natin hindi lamang ang ating mga panibagong tagumpay kundi na rin ang mga hirap at pakikibaka ng ating mga ninuno upang gawin ang paraan para sa kalayaan ng Pilipinas. Hayaan ang kanilang dakilang sakripisyo maging inspirasyon natin habang tayo ay sumisikap ngayon na palakasin ang ating minamahal na republika bilang isang makapangyarihang ekonomiya at isang buhay ng dignidad at kapayapaan para sa bawat pilipino. Hayaan natin ang mga aral ng nakaraan, kasama ng siglo ng kasalukuyan na magbigay sa atin ng sipag at inspirasyon na kailangan natin upang makamit natin ang ating bahagi ng responsibilidad bilang pilipino sa siglo beinte-uno. Noon, nagkaisa tayo ng pagmamahal sa mga simbolo ng kasarinlan at kalayaan na ipinakita at narinig sa Kawit, Cavite: ang ating bandila, ang ating pambansang awit, ang ating mithiin na hindi na muling mapailalim ang ating tinubuang lupa sa anumang banyagang bansa.
Nasaan na ba tayo sa status na matatawag na matagumpay at tunay na Malaya?
Nasaan na ba ang mga pangako,na napapako?
Nasaan na ba ang mga nag-ha-ha-harian sa bayan ni Juan Dela Cruz?
Nasaan ang mga natatagong yaman at utang ng mga batang bagong silang sa bansang ito?
Nasaan ang bagong luklok na pangulo at bagong administrasyon?
Ito ba ang tinatawag na tunay na malaya; oh nasa tamang at tuwid na daan na tayo;tayo lamang ang mga pinoy ang makakapag-patunay kung saan stado ng pamumuhay matatawag na tunay na Malaya ang bayan sinilangan ng ating bayaning si Rizal.
Marami pa rin sa ating ang nakakaranas lalo na sa pinoy na tulad sa nangyari sa dalawang pinay sa Indonesia na kung san inakusahan ng “Indonesian Airline” ( correct me, if I’m wrong using that words) na Drug Courier ang dalawang pinay na biktima lamang ng maling akala.Ano ang ginawa ng gating gobyerno sa paroblemang ito?
Paunawa:
Hindi ko po nilalahat ang mga nakaupo sa kanilang termino?Hindi lahat sa kanila ay biktima ng maling imahe na naitaktak sa isip ng Masang pinoy.
And Traveler's Companion: Philippines and http://www.op.gov.ph/speeches.asp?iid=23&iyear=2001&imonth=6
2 comments:
I like your header, dam if you do and dam if you don't. I can relate it to blogging sometimes. Happy Independence day to you.
Happy Independence Day either,by the way,sorry for late reply...thank you very muchhh very much appreciated!!!:)
Post a Comment