Monday, May 9, 2011

Happy Mother's Day- Indoy


For Life longs for itself, that is why it willed the appearance of children. This wouldn't be possible without a woman... A Mother. Her lifeblood being the channel that lent us the same Divine Breath that endows us with a living spirit. Her strength, our hope and joy. Her abilities, our nourishment. Her love, our survival.

Happy Mothers' Day Mommy! and to all the Moms out there!
Sulat ito para kay ina!!!

Salamat sa lahat ng oras sa pagbabanatay habang ako'y natutulog sa iyong sinapupunan noon ako'y bata pa,hindi ko alam kung paano ito sisimulan ngunit isa lang ang nasa puso't isipan habang ginagawa ang sulat o artikulo na ito; Para sa iyo kundi nararapat na ika'y pasalamatan sa lahat ng sakripisyo mo para sa iyong anak hindi man ako naging perpekto bilang anak mo ngunit ginawa ko ang lahat makita lang ang ngiti sa labi mo.

Sa iyo nanay ng iyong spesyal na araw ako'y lubos na magpapasalamat at walang sawang ika'y suportahan hanggang sa dumating ng araw na ikaw ay uugod-ugod.gagabayan kita sa iyong paglalakad habang unti-unting lumalabo ang iyong paningin kasama si itay na mahal mo ng lubos sa hirap man o ginhawa.

Dumating man ang pagsubok sa inyong pagmamahalan,hindi ka nagpatinag at naging matatag para sa aming magkakapatidna iyong anak at sa nangyaring pagsubok sa ating buhay na hindi natin inaasahan.heto ka ngayon tumatanda,nabibilang na rin ang kulay puti na hibla sa iyong buhok tanda ng sakripisyo at panahon na ginugul mo sa iyong pamilya.

Ika nga ng nakakarami tunay ka ngang dakila,iaw ang nag-iisa sa iyong pwesto bilang ilaw ng tahanan,tagapatnubay,taga-gabay sa naliligaw ng landas ng iyong mga anak.walang bahid na pag-sisisi na nakikita sa malumanay mong boses na sa tuwing kami'y pinapagalitan dahil sa nagawang kasalanan nung kami'y bata pa.

Oh aking ina,
mahal kong ina,
pagmamahal mo aking ina.
yakap mo sa aking,hanap-hanap ko.

Ito ako ngayon masaya at sinisikap na maging mabuting tao hindi lang sa iyo kundi sa mata ng diyos ama na lumikha sa sanlibutan, nais ka pasalamatan sa lahat -lahat mula sa kaibuturan ng aking puso.



Ako Si Indoy.......






0 comments:

Post a Comment